0

#HUGOT101

(Disclaimer: Fact or fiction? You decide.)

 

Mahigit isang buwan na pala tayong ‘di nag-uusap.

Eto na naman ako, nagbibilang na naman. Sakit ko na ata ‘to eh. Bakit ko pa ba binibilang ang mga bagay, ‘di ba? Bobo ako sa Math, pero pinag-aaksayahan ko pa ng oras ang bawat numero na nakadikit sa memorya ko tungkol sa’yo. Oo, ikaw na naman. Tangina, kelan ba ‘to matatapos?

Bilang ng text messages ng convo natin sa phone ko: 207.
Beses tayo nagkasalubong last week na walang pansinan: 3.
Beses na sinubukan kong itext ka para mangamusta sa loob ng isang buwan: 15
Beses na napanaginipan kita (na natatandaan ko): 3
Beses na naiisip kita: Kelan ba hindi?

Hindi ako Math major (at kahit anong gawin kong paglulupasay, malabo na ‘to) pero bakit ko pa rin ‘to ginagawa? Wala rin naman ‘to para sa’yo. Ni hindi mo nga alam na nagkakaganito ako para sa’yo. Tangina lang, ano? Para akong tanga. Ginusto ko naman ‘to.

Ni hindi ko masabi sa kanila ang tungkol dito, ang tungkol sa’yo. Tutal, kahit anong gawin ko, wala namang mangyayari. Una, maling-mali. Pangalawa, maling-mali. Eh sa mali talaga. Sasabihin ng iba na pwedeng gawing tama ang mali. Oo, kaya ko. Pero kung makakasakit ako ng iba, wag na lang. At talagang inassume ko na magagawa ko yun. Ano bang laban ko sa kanya, ‘di ba?

Sa totoo lang.. sa loob ng almost 2 years.. ngayon lang ako napagod. As in. Sabi ko sa sarili ko, if ever mang makakilala ako ng taong.. “yun”, never akong mapapagod. Kasi alam ko na worth it siya. Na kung sino man ang mapipili ko, siguradong worth it. Oo, madali akong magkacrush. Pakitaan mo lang ako ng lalaking may magandang collarbone at abs (given na hindi siya hipon, ha), crush ko na yun. Mapatawa mo ako, three points! Masakyan ang trip ko, panalo ka na!

Kaso naka-jackpot ka eh. Lahat ng hinahanap ko, nasa ‘yo.

Pero bakit ka may baggage?

Eh given na yun. Mas nauna mo na siyang nabili kesa sa’kin. Kumbaga, nung nagkakilala tayo, nagwindow shopping ka lang. Napadaan ka lang sa’kin, natuwa. Lahat ng jokes ko (kahit hindi naman sila joke), benta sa’yo. Kahit hindi mo ma-gets ang sinasabi ko, sumasagot ka pa rin.. kahit hindi ko ma-gets yun. Mukha lang tayong tanga. Naiisip ko nga na kanta pag magkasama tayo? Anyone Else But You ng The Moldy Peaches. Tangina, never naman tayong magiging sina Juno at Paulie Bleeker. Asa pa ako.

Joke time ang simula natin. Alam mo yan. Ayaw natin sa isa’t isa. Naks, romance novel? Agad-agad? Sa alteruniverse sa isip ko, siyempre tayo bida. Ang ganda na ng kwento natin eh. Kung isusulat ko yun, malamang pinakapaborito ko yun. Kasi hugot na hugot siya. Feel na feel. Hindi ko itatanggi na based sa buhay ko yun.

Eh kaso wala naman akong isusulat. Alangan namang hulaan ko ang feelings mo para sa’kin ‘di ba?

May nagtanong sa’kin last year, summer. Kung pumasok daw ba sa isip ko yung what if na magkagusto ako sa’yo. Sagot ko, imposible. Kasi hindi kita type. At may baggage ka nga. At kung anu-ano pang kalokahan. Ni hindi ko sinagot nang maayos yung tanong kasi natatakot ako. Alam kong may something na nun eh, sa part ko (kasi never naman ata sa’yo?). Tsaka tigasin ako nun eh. Sa lahat ng taong nakapalibot sa’tin nun, dalawa lang kaming walang gusto sa’yo. Di ka ata sanay na may hindi naattract sa’yo. Newsflash: hindi ka ganun kagwapo. Feeling ka lang. At napakalandi mo pa.

Napapagod na ako. Seryoso. Kasi hindi mo alam ‘to. Dalawang taon kong tinago, putangina. Sa lahat ng lalaking pinaglaanan ko ng panahon, ikaw ang pinakamatagal. Para sa’kin, ikaw yung deserving eh. Redemption ka. Mali ako nung huli, at dahil sa’yo naniwala ako ulit. Kaso yun nga, maling-mali ang timing. Ikaw yung mali, hindi ako. Alam kong tama ‘to kasi sigurado ako sa’yo. Alangang ipagpilitan ko ang sarili ko sa’yo, ‘di ba?

Mahal kita pero hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa’yo. Hindi ako ganung katanga. May respeto naman ako sa sarili ko.

Mahal kita pero hindi kita hihintayin. Magulo ba? Alam kong sigurado ka sa kanya at wala na akong laban dun. Yung imagination pa lang na in the end sa’kin ka mapupunta, natatawa na ako. Ayokong paasahin ang sarili ko sa malabong bagay.

Mahal kita pero takot akong mahalin mo ako pabalik. Kasi alam kong hindi ko kaya ‘yun. Gusto ko ako lang nagbibigay at hindi binabalik sa’kin. Ewan ko ba kung bakit ganito ako. Pag ganun kasi, ‘di ko maiwasang isipin na kompetisyon kung anuman ang magkakaron tayo. Kung sino ang mas magmamahal, siya ang panalo. Ayoko ng ganun. Ayokong matalo.

Kaya tama na. Pagod na ako. Sana madali lang ‘to para sa’kin.

Duwag ba ako? Hindi. Alam ko lang kung kelan ako dapat sumuko para sa ikabubuti ko.

Salamat sa’yo. Sa dalawang taon na ‘to. Hindi ko inakala na kakayanin ko palang mag-invest ng ganitong kabigat sa isang tao. Wala eh, naka-jackpot ako sa’yo. Kaso ikaw yung tipo ng jackpot na hindi ako masaya na nakuha (masaya in one point, kaso.. mas malaki yung sakop ng ibang factors), kaya ipapamahagi ko na lang sa iba.

Hindi lahat ng pag-ibig ay dapat pinaglalaban, lalo na pag nasasaktan mo na ang sarili mo.

Kaya tama na. Last na ‘to. Wala nang kasunod.

Sana.

Aside
0

Nakakatakot pala kahit sa panaginip lang yun. Sa lahat ng bagay na pwedeng mapanaginipan, yun pa. Saklap lang.

Ayoko manghabol ng tao. I tried it once, hindi worth it. Tapos napanaginipan ko pa na hinahabol ko sila. Yes, sila. Tatlo nga eh. Sila pa naman yung mga taong ang hirap habulin. Yung tipong kahit maputulan pa ako ng paa sa kakahabol sa kanila, hinding-hindi nila ako lilingunin.

Ayun nga, di nila ako nilingon. Hinabol ko sila. Di ko naabutan. Tangina hanggang sa panaginip mawawala pa sila? Wala na nga sila sa buhay ko ngayon (technically they’re still here pero.. naah. What’s the point anyway? We’re ‘dead’ to each other tho) tapos..

Putangina ewan ko na lang.

Aside
0

Alam mo yung feeling na dapat mag-exert ka pa ng effort pero parang kulang pa rin? Tapos gusto mo nang sumuko pero ayaw ng universe?

Ay putangina. Dalawang linggo na akong ganun.

Tapos dadagdag pa siya, ang ever conundrum sa buhay ko na hindi matapos-tapos. Tangina, naiirita ako. Bakit ba hanggang ngayon ginugulo mo pa rin ako? O ako lang ba ‘to?

Hindi naman kita mahal. Nga ba? Ewan ko. Mamahalin ba kita? Pwede, pwedeng hindi. Gusto ba kitang makasama? Paiba-iba. Gusto mo ba akong makasama? I doubt. Mahal mo ba ako? Wag mo akong lokohin, alam kong hindi.

Naiiyak na ako. Sakit ko na ata ‘to, ang mag-invest ng oras, emotions at ‘pagmamahal’ sa taong hindi ako napapansin. Sa taong kahit kelan hindi ako mamahalin. Putangina, Aegis?

Ayoko na.

Aside
0

Okay, this is not really a serious review. Hindi naman ako si Roger Ebert. Haha!

World War Z movie poster

Naexcite talaga ako sa movie na ‘to for 3 reasons. First, I love zombie movies. Second, I love Brad Pitt. And third, naeexcite talaga ako. Miss ko lang siguro manood ng The Walking Dead kaya sobrang excited ako.

What I love about this film: Great acting. (I love Brad Pitt here! Seriously. Kaso throughout the film I had this urge to cut his hair and shave his scruff. Also the others, especially Segen, yung soldier na badass!)

Great effects. (Dammit, yung Jerusalem wall! I love the effects! And yung plane scene!)

Great directing.

Believable premise. (Well bigla lang naman nagsimula yung apocalypse so.. yun. In reality hindi mo naman agad malalaman yung cause nun diba? Hahaha)

Plus points to the introduction and ending scene btw. I loved it!

The naaaah part/s: I haven’t read the book (but I’m planning to, after Bossypants) but I heard may ilang scenes daw na maganda for the film. And also, the character depth, nakulangan ako (ako lang ata ‘to.)

The ending for me is good. Last month nabalitaan ko sa Insider na binago raw nina Brad Pitt ang ending. So I searched about the original ending earlier and shit, parang aaaahh. I wanna see it! Sana may mag-upload nun sa torrent!
(Here’s the spoiler for the original ending! http://www.businessinsider.com/world-war-z-original-ending-2013-6)

So far I love World War Z! Great movie!

Aside
0

This is a rant. So yeah.

New sem, same old issue.

Ewan ko kung bakit na naman ‘to naungkat. Siguro nung may nagremark na pwede akong pumasok sa academe kasi tatanda akong dalaga? Or nung pinakilala ako sa iba na “Ay si Leng nga pala, single”. O nung sinabihan ako ni Ma’am V na maghanap ng boyfriend para may taga-pila sa Admin para magbayad. Aarrghh what’s wrong with you, people?

Okay eto na naman ako, galit na naman. Sanay na ko dito. Yung mga tao lang sa paligid ko ang hindi. Is this singledom my choice? Yes. Wala bang lumalapit sa’kin. Double yes. So forever alone na ba ako? I don’t think so.

Hindi ko gets kung bakit issue ‘to. Yung mga nagsabi sa’kin ng snide remarks e parang hindi naging single sa isang point ng buhay nila. Hiyang-hiya naman ako. Ano yun, pinanganak ka ng may boyfriend? Hahahaha galit na galit agad!

Gusto ko bang maghanap? Hindi. Hassle yan. Paano pa ako makakapagconcentrate sa buhay ng iba, at sa isang bagong buhay na mafoform namin together, kung mismong buhay ko eh sketchy sa’kin? Tsaka I cannot give love if I don’t love myself that much.. yet. Ubos na ubos na nga eh. Mamimigay pa ako. Di Salvation Army ang pag-ibig ko ano.

Someday my time will come. Maybe it won’t. I can’t say. Basta ako, masaya ako. Hinahanap ko pa ang sarili ko. I don’t need a guy to complete me. I won’t settle for someone in the same circle. Falling in love takes time. Hindi basta-basta na nandyan lang siya eh pag-ibig na yun. Porke malungkot ka at saktong nandyan siya para pasayahin ka e kayo na, masaya ka na forever. Eto ang dynamics ko, I don’t force you to believe me. Kanya-kanya tayo ng coping mechanisms. Eto ang akin. Hassle kasi. At tsaka wala namang nagkakainteres sa’kin. Imbis na iyakan ko ‘to at maglungkut-lungkutan ako, bakit di ko na lang ayusin ang sarili ko?

I don’t need a man to fucking define me. Ewan.

Aside
0

Hindi ko natupad ang goal ko na manood ng films last year. And yuck, puro Star Cinema films pa ang pinag-aksayahan ko! Whatever.

1. This Is The End
2. WOLVERINE!!
3. RIPD
4. Jobs
5. Insidious 2

Aside
0

Dear You,

Una’t huling beses na ‘to. Kahit alam kong hindi mo mababasa. Pampa-release lang ng feels.

Nakausap ko siya kanina. Actually natakot pa nga akong pumasok sa office nang makita ko siya. Kahit nagkaron kami ng interaction last sem, ilag ako sa kanya. Of course hindi mo alam yun, ang galing kong magtago ano? Pag magkasama tayo dehins naman natin siya napag-uusapan (Tell me, may sinabi ba siya tungkol sa’kin? Not that I mind.. kidding. Ano nga? That bitch.), wala naman kasi sa lugar.

Ayun nga, nakausap ko siya kanina. I was surprised, naalala pa niya ako. Then nagkwento siya (hindi sa’kin) ng mga bagay na tungkol sa’yo. Well natawa ako kasi ang tanga mo nga. Mabait naman pala siya, with a tinge of attitude problem (Gulo ko, noh?). Hindi ko alam kung pinaplastic lang niya ako kanina. May alam ba siya? I doubt. Ako lang naman may alam. Ewan ko kung alam mo ha.

Dati takot akong makita kayong dalawa. Gago kasi ‘tong isip ko, kung anu-anong naiimagine eh. Minsan nai-imagine ko what ig, just what if ako yung kasama mo at siya ang nasa pwesto ko na nakatingin sa’tin? Tangina, kinilabutan ako. Maling-mali kasi. Don’t worry, nagdasal naman ako. Forgiven na. Chos.

Two years na rin. Eksakto ngayong June. Hanep, ano? Tagal na pala. Kayang-kaya kong i-mapa lahat simula nung 2011 hanggang ngayon. Declining nga eh. How sad. Pero okay lang, at least okay na ‘to.

Denial pa ako nung una. Aaminin ko, tagal na period din yun. May nagtanong kung ano ka nga ba sa’kin, sabi ko hamak na ‘friend’ lang. True Friend of the Year awardee ka pa nga e. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magkwento tungkol sa’yo sa ibang tao. Shit, tell-tale sign na yun di ba? Deny pa ako. Nung narealize ko na (eto yung time na hinawakan mo ang tuhod ko. Sabay tusok ng Gtec. Tangina mo masakit yun!) yun nga, sabi ko agad, “Ay mali ‘to. Hindi pweds.” At umulan na ng negative thoughts. Kakaloka.

Buti nga di tayo masyadong nagkita last year, first sem. Move on move on din ang peg ko nun. Kaso siya naman ang blockbuster sa sinehan ko. Sumunod na sem, eto na naman po tayo. Ikaw na naman. Sabi mo magprerog ako. E di ako ‘tong si Tanga, prerog. Para makasama ka. Yuck, ang cheesy. Di bagay sa’kin. Pero yun talaga eh. Denial ako. Sa totoo lang, hoping ako.

Pero naaah, what’s the point? “Us” will never ever materialize in real life. Kahit magsulat pa ako ng mala-encyclopedia na love story natin e wala pa rin. Hindi naman mabibigyang buhay ng mga salita ang kung anumang kabag dito sa puso (kadiri) ko. Tangina, ang cheesy. Di bagay sa’kin.

Alam mo, ngayong sem, hindi ako hoping eh. Kaso wrong move na tinext kita. Pero I realized, hindi pala wrong move yun. Kung hindi ko ginawa yun e di sana hahabulin pa rin kita. Hindi pa rin ako magigising. Two years (well technically 1 and 6 months) na rin. Tangina, tagal ano. Sipag ko. Eh hindi naman pag-ibig ‘to. Di ko rin alam kung paano ika-classify. Tangina, gray area ‘tong feelings ko. Sarap burahin.

Sige, goodluck na lang sa inyo. Hindi ako bitter ha. Goodluck talaga.

Aside
0

06272013

Teka, sabi niya.

Hawak pa niya yung panyong gray na binigay mo nung 23rd birthday niya. Tanda mo pa ang itsura niya nang binuksan niya ang kulay pulang gift wrapper. Hindi naman Valentines Day ah, bakit red? tanong niya, nakangiti sa’yo. Tsaka di ko naman kailangan ng panyo. Pero bakas sa mata niya na masaya siya.

Bakit? May sasabihin ka pa ba?
, ayaw mo sanang itanong pero huli na ‘to eh.

Ah.. kasi.. ano..

Ayan na naman siya sa pag-aalinlangan niya. Unang beses mo pa lang siyang makilala ay napansin mo na yun. Nagkasabay kayo sa pagkuha ng pagkain sa buffet nung debut ng orgmate niyo. Dalawang minuto siyang nag-isip kung spaghetti o carbonara, cream dory o chicken fillet. Sa mga pelikula naman nung nag-date kayo noon. X-Men o Spiderman? Megamind o Tangled? Pati sa sapatos, damit, simpleng pagtu-toothbrush sa hapon o gabi pinag-iisipan pa niya nang matagal. Pero bakit nung sinabi mo sa kanya na ayaw mo na at gusto mo nang makipaghiwalay, ang bilis niyang pumayag?

Ngumiti ulit siya. Pampalubag-loob. <bKamusta ka naman?

Tangina mo, yan ang gusto mong sabihin. Kaso ayan na naman ang ngiti niyang sinisisi mo. Bakit nga ba ang ganda ng ngiti niya? Kanina galit na galit ka sa kanya, naiimagine mo ang mukha niyang punung-puno ng pimples at lawlaw na ang boobs.. pero nawala lahat dahil sa lecheng ngiti niya?

Gusto mong sabihin na okay ka na. Tatlong taon na rin naman ang lumipas. Pero alam mo sa sarili mo na kahit kelan ay hindi ka magiging ojay, lalo na’t alam mo na lagi siyang nandyan para ipaalala sa’yo kung gaano ka ka-tanga na minahal mo siya. Pinilit mong maging masaya kahit wala siya. Pinaniwala mo ang sarili mo. Alam mo namang hindi ka tuluyang magiging masaya dahil ang taong nagturo sa’yo ay wala na. Masaya na sa piling ng iba.

Hinintay ka niyang sumagot. Nakangiti ulit siya sa’yo. Para bang sigurado na mahuhulog ka muli sa patibong niya. Tatlong taon ang nagdaan. Mahal mo pa rin ba siya? Handa kang magpakatanga ulit para sa kanya?

Wag na lang.

Prompt: Write a story in 350 words.